Music Tumblr Themes

Day 5. List 5 things that makes you happy.

1. Music

2. Make-up

3. Internet

4. Bowling

5. Cellphone

Day 4. List 4 goals you plan to accomplish in the future.

1. Maka-graduate. Sino ba naman may ayaw? Yan ang pinaka-una kong goal at gusto ko na makahawak ng diploma! HAHA! Namimiss ko na aral days ko. Yung tipong uuwi, gusto na magpahinga pero hindi pwede kasi may assignment saka project tapos malapit pa deadline mga tipong gagawa lang ng ipapasa tapos deadline na kinabukasan. Ang saya lang yung feeling na ganun.

2. Makapag-negosyo. Syempre sa negosyo ko i-ayon ko sa pinag-aralan ko sa kurso ko. HRM kasi ako eh. Malamang, restaurant or bar. pwede rin bar and restaurant. HAHA.KTV Bar? Mga ganun.  Halo ng ibang klaseng mga alak. Or resort. Masyado na mahal yun. O kaya catering. Yun mga ganun. Basta negosyo.

3. Own family. Syempre pag stable na ako, Anak/mga anak. Gusto ko bago ako magkaroon ng sariling pamilya gusto ko perfect na lahat. Lahat maayos okay na. Yun lang naman ang gusto ko eh. Para di na sila mahirapan para paglabas nila naka-ready na para saknilang future na rin. Mas okay na kasi yung pinaghahandaan kasi para alam na gagawin at mas masarap ang feeling kapag alam mo nasa tamang direksyon talaga mga gusto mo mangyari di mo man nakukuha lahat pero unti-unting nangyayari. Mas masarap kasi dahan-dahan eh.

4. Makapunta sa boracay. Di pa kasi ako nakapunta sa boracay eh. Sana may magdala sa akin dun. :( HAHA.

Day 3. What kind of people do you surround yourself with?

Una sa lahat, ako yung tipo ng tao na hindi ko ipagpipilitan sarili ko sa’yo kung ayaw mo ako okay lang. Ayaw ko naman kasi ng tipo ng tao na pag kaharap pamilya mo ang bait sa’yo pero kapag wala na pamilya mo parang “nobody” ka. Syempre ayaw mo rin naman tratuhin ka ng ganun. Atsaka dito sa Saudi, marami nakakakilala sa akin dito dahil kila mommy at daddy na kahit na di ko kilala kilala pa rin. Though kahit sabihin natin na kilala nila ako alam nila kung sino mga magulang ko, hindi mo pa rin ako mapipilit sa mga taong gusto ko samahan. Kasi aaminon ko syempre bilang teenager bilang baguhan ako sa mga experience nawala rin ako sa direction parang nagkaroon ako ng friends na kasama mo sa bisyo pero hindi sila tumagal sa akin kasi ayaw ko ng ganun saka kinaibigan ka lang kasi alam nila na magulang mo nasa Saudi syempre iisipin nila na “Mayaman” pero hindi nila alam ang ibig sabihin ng pagiging mayaman. Naranasan ko na rin na may naging friends ako na jinudge ako. Hinuhusgahan sa pananamit, kasi di branded, huhusgahan sa make-up kasi di mac ang ginagamit, huhusgahan sa lahat ng bagay kahit alam mo naman na hindi ka nila kilala alam lang nila pangalan mo which is masakit na minsan sa mga mas nakakasama mo pa manggagaling yun. Hindi siya masaya pero masakit. Kaya sa bawat pagkakamali ko sa sarili ko, bawat sitwasyon bawat mangyayari sa’yo kalaban mo sarili kahit saang challenge man yan, kalaban mo sarili mo. So I don’t think naman na masama ang mamili ng mga taong gusto mo samahan basta alam mo wala kang tinatapakang tao, wala ka nilalabag na batas okay lang.

May experience kasi ako sa ganyang bagay before. Sa Sta. Lucia Mall ako nun syempre may bowlingan edi naglaro ako. Di ko naman ineexpect na mananalo ako sa unang laban na yun tapos hanggang sa mga sumunod na araw at league nananalo ako hanggang sa may nagrereklamo na tungkol sa akin na unfair yun kasi bago pa lang daw ako. So meaning pag bago lang ako sa group niyo kailangan pagbibigyan ko kayo manalo? Fair ba yun or unfair? Saka dun sa group nila, konting tao lang talaga mababait at humble. Halos lahat parang ipapakita at ipapahalata nila sa’yo na nobody ka kasi di mo sila ka-level. Di ka mayaman. Di naman siguro dapat ganun na kailangan pag mayaman ka, mayamn din mga kasama mo. Okay lang naman mamili ng mga taong sasamahan mo at gusto mo makasama pero tumanda ako at nag-mature na ako na kapag may bagong tao, i-welcome mo. Ganun kasi dito sa Saudi. Lahat welcome kung gusto mo sumali at sumama, sumama ka. Sa Pilipinas kasi, iba. Kung ano ka, yun ka at yun mga sinasamahan mo. Dahil sa lumaki na at nagka-isip na ako sa Saudi, di ko sinasabing mayaman na ako kasi nasa Saudi kami pero nasa gitna lang kami. May kaya. Di mayaman, di mahirap. Dati kasi uhaw ako sa kaibigan. Sabi nila baka daw may problema ako kaya wala masyado friends or baka mali sila. Ang akin lang kasi inaamin ko mahirap talaga ako intindihin. Marami ako gusto at ayaw pero eto ako. Wala kayo mababago sa akin na kung gusto mo maging “in” kailangan mo maging ganito, ganun. Mas gugustuhin ko na maging unique ako. AT DI KO TALAGA PAGPIPILITAN SARILI KO SA MGA TAONG AYAW SA AKIN.

Bakit ganyan?! Paki-explain please!!

Bakit ganyan?! Paki-explain please!!

Ways to win my heart.

Ako yun type ng babae na pag gusto kita, gusto kita. Pag di kita gusto, di kita gusto. Okay. mahilig man ako mag-deny na sabihin na di ka gusto pero mahahalata mo talaga na gusto kita kasi mahirap para sa akin magtago ng ganyang feeling. Ewan ko kung bakit. Pero minsan nakakaya ko naman pigilan sarili ko. Takot rin ako ma-reject kaya di ako nauuna. Nagpapahiwatid lang ako minssan sa isang guy. Pero minsan masarap rin guluhin ang utak niya kasi gusto ko malaman kung ano talaga feelings niya. Open naman ako sa ibang sitwasyon at ibang bagay kaya wag ka mag-alala. So eto na.

1. Honest - Maraming tao ang ganito. Minsan totoo, minsan hindi. Importante ‘to di ba? Yoko naman naglolokohan tayo. 

2. Trust - Gusto ko pagkatiwalaan mo ako na kaya ko maki-level sa’yo. Kaya ko maging matured at independent sa paraan na alam ko. Kung may mga bagay man ako na nagawang mali, kaya ko yun baguhin kung bibigyan mo ako ng chance.

3. Respect - Marunong ka dapat rumespeto sa kung sino ako at ano ako. Sa kung paano mo ako kilalanin. May privacy ako, may privacy ka rin. Simpleng “Wala karapatan ka basahin messages ko sa phone. Kailangan pa rin ng respeto sa privacy ng iba.”

4. Parehas ng sport - Dati kasi nasubukan ko na magboyfriend na magkaiba ng sport. Siya basketball, ako bowling. Which is hindi maganda combination para sa akin pero sabi nila opposite attracts. Pero sa akin hindi. Siguro sa ibang bagay meron. Kasi buong araw pwede namin pag-usapan ang sport na parehas kami at magkakaintindihan pa kami.

 5. Maayos pumorma - Okay importante ‘to sa akin. Sino ba naman may gusto dugyutin pumorma di ba? Ayaw ko masyado over pumorma at walang kwenta pumorma. Tawag ko sa over pumorma, wagas makaporma yung hindi sakto damit sa weather o sa lugar na pupuntahan example, super tapang ng amoy ng pabango, naka-polo na long sleeve na checkered pa na fit sa’yo tapos skinny jeans tapos leather shoes. Ang baduy ha! Tapos yung kwelyo nakataas. DRACULA TOL? Tapos yung walang kwentaq pumorma, alam mo na! Tipong naka-varsity jacket pero mainit. Naka-shades wala naman araw. Super luwag ng pants at damit pang-taas parang basahan tas rubber shoes. Swagger na baduy lang. or Mukhang swagger pero kung magpantalon parang si Justin Bieber. Yuck lang. Wagas kung mag-gel ng buhok na parang dinilaan ng cow. Or feeling nerdy wala naman grado salamin. Walang glass lenses. Mga ganung style ba. Panget eh.

6. Mabango - Eto ang importante sa akin. Kailangan talaga. Kahit alam mo sa sarili mo na malinis ka, kailangan nakapabango ka pero di kailangan oa ang pabango. Panlalaki talaga. Hilig ko kasi umamoy lalo na pag nakaka-adik ang pabango niya. Masarap lang kasi tumabi sa lalaking mabango.

7. Sense of humor - Papatawanin ka magdamag. Yun ang masaya. May kwentang kausap lalo na kapag marami na siya experience sa mga bagay bagay may matututunan ka pa sakanya. Di lang kayo puro biruan at asaran at the same time, may seryoso rin naman sa inyo.

8. Comfortable sa isa’t isa - Di nahihiya pag gusto pa mag-extra rice. Para kayong mag-bestfriend, barkada, kapatid kung magturingan. Malakas mag-asaran kahit minsan nagkakasakitan na pero pag silang dalawa lang magkasama super sweet nila na akala mo wala na bukas.

9. Secured - Masarap kasi ang feeling pag alam mo di ka mapapahamak pag kasama mo siya. Kahit nasa madilim kayo na lugar or gusto niyo lang maglakad sa halip na magkotse kayo. Kahit abutin kayo ng madaling araw di ka kakabahan kasi kasama mo siya at alam mo na kaya ka niya protektahan kahit saang lugar pa yan.

10. Protective - Alam mo yung tipong isang paalam mo lang tatanungin saan ka pupunta, sino kasama mo, ano mga pangalan nila, alam niya kung taga saan sila. Mga ganun bagay. Tapos minsan gusto kahit “girl talk” lang ang coffee session namin gugustuhin niya sumama kahit ma-op siya. Or basta sa gimikan na alam niya aabutin ng gabi o kaya ihahatid ka sa lugar na pupuntahan mo tapos susunduin ka kapag tapos na gimik mo mga ganung bagay. Tapos yung mga bagong nakikilala, aalamin niya taga saan, di niya ako hahayaan mapahamak. Mga ganun.

11. Kind - Yan ang gusto ko. Syempre kung paano ka tratuhin ganun din dapat sa iba. Walang pinagkaiba dapat sa naiisip ng iba. Yun ang masaya sa lahat at masarap ang feeling.

12. Special - Masarap yung special ka sakanya. Yung di niya nakakalimutan ang mga simpleng bagay na gusto mo. Kunwari alam niya ang pagkain na makakapagpakalma sa’yo. Makakapagpasaya sa’yo kahit na alam mo na hindi siya marunong magluto o magbake pero susubukan niya kahit wala siyang talent dun. O kaya haharanahan ka kahit sintunado pero sweet naman siya. Paghahandaan niya talaga o kahit on the spot talaga siya. Mga ganun bagay pero hindi ko naman hinihingi sakanya na example magpopost ako sa fb ng mga pictures ng mga boyfriend ng babae na nasa fb parang tipong buong mundo alam na pinaghandaan siya ng sayaw para lang makapag-propose yung tipong pabonggahan na ng proposal pero hindi eh. Hindi ko rin naman hinihiling na bigyan ako ng bulaklak (NEVER PA AKO NABIGYAN NG BULAKLAK). Bigyan ng chocolates na mamahalin o bigyan ng mamahaling kwintas, earings o kahit anong mamahalin na gamit. Kahit na mahal man yan o mura lang basta ikaw nagbigay at buo ang loob na ibigay yan masaya na ako. Yoko yung napilitan ka lang na bigyan ako kasi monthsary, Weeksary, daysary, Anniversary, hindi. Hindi yun mahalaga. Pinakamahalaga sa akin yung itetext niya lang ako na “Goodmorning. Kain ka na Blah blah.” or “Susunduin kita mamaya.” basta mga sweet na message yun yung nakakapagparamdam sa akin ng special ako sa’yo yung lagi mo ako naaalala kahit di tayo masyado nagkakasama.

13. Mas matanda sa akin. - Ayun, pero wag naman natin paabutin ng 50 kasi patanda na yun ng wagas eh. Yung mga 40 and below. O kahit ganung edad pero hindi ganung mukha. Yung mas matured nga sa akin ewan ko kung bakit kasi masaya kasi makinig sa mga story nila na minsan na ganun nangyayari at yung honest ah. Di yung gusto lang magkagirlfriend na mas bata sakanila kasi fresh at bata pa. NO. Kahit na mas matanda sa’yo may respeto pa rin at please. WAG DOM. Yuck. Di porket may boyfriend ka na super tanda sa’yo eh gold digger ka na. Depende sa’yo kung ipapakita mo sa iba na ganun ka nga pero kung alam mo naman na hindi ka ganun di ba syempre walang problema dun.

14. Tattoo - Okay, medyo pwede rin naman sa akin ang lalaking may tattoo pero please wag naman sana yung mukhang galing preso di ba nakakatakot naman yun baka sabihin magkasabwat kami. HAHA. Gusto ko tama tattoo lang pero hindi gagawing papel ang balat na pati ulo at mukha meron over na kasi yun saka nakakatakot yun para sa akin yung tama lang. At kung mahilig siya sa piercing okay lang naman sa akin wag sobrahan ah. Di ko na matatanggap yun. Alam ko naman na wala tayo karapatan mag-judge ng ibang tao pero sana yung tama lang.

15. Last, Malinis at mahal ang nanay/kapatid na babae at dog lover - Ayun nga kasi pag sobrang mahal niya mga babae sa pamilya niya swerte mo kasi mamahalin ka niya ngw agas ewan ko kung totoo kasi hindi nagwork yun sa ex ko na gitarista pero okay naman na saka sobra siya maging protective na mga pamangkin niya o mga kapatid niya na pag alam niya na may manliligaw mga kapatid niya inaalam niya muna saan nagmula hindi naman sa tinatakot pero maging safe lang pamilya niya. Ayun, ang pagiging mama’s boy hindi problema sa akin yun maganda nga yun eh may respeto siya sa babae. Malinis, malinis ang paligid niya maayos ang lugar niya di parang binagyo ng sandamukal na balyena sa kwarto niya at organize dapat. Dog lover, mahilig kasi ako sa aso so kailangan ganun rin siya kasi kung if ever siya na makakasama ko sa buong buhay ko kailangan mahilig rin sa aso kasi kung hindi, sorry maghanap ka ng babaeng may allergy sa aso kasi mahal ko mga aso. Di ko kaya nakikita sila sinasaktan o kung ano man ginagawa kasi ang mga aso sobra sila magmahal kaya dapat ganun din tayo. Di lang tayo may problema at wag natin ibuhos sakanila galit natin sa problema kasi kawawa naman sila.

Ayun, so ayun na nasabi ko na lahat ng gusto ko sabihin kung may nakalimutan man ako dadagdagan ko na lang. So yan lang naman ang mga simpleng bagay na gusto ko sa isang guy. Kung sa tingin mo ikaw na yun, edi ikaw na! Tayo na! At kung sino ka man, hinihintay na kita. :)

Day 2. What are your top 3 favorite colors?

Pink - I love pink. Pinapakita niya ang medyo pa-girly side ko.

Black - Fav ko lang din kasi pwede sa lahat ng kulay.

Red - Isa sa pinaka paborito ko sa lahat lalo na pag halo sa black.

Day 1. What is your name and were you named after anyone?

Kryztine Demi Loyola Cruz. Yan ang buo kong pangalan. May pinsan ako na lalaki na malapit edad niya sa akin pero matanda ako ng ilang taon sakanya na parehas kami na pinangalan sa mga lolo at lola namin sa mother side. Bale siya *Kristofer ruf* di ko sure spellig. Kasi Rufo pangalan ng lolo namin. Tas yung Demi naman, kay lola. Kaya pag nasa pilipinas kami nalilito ako pag tinatawag pangalan ni lola kasi nasanay ako sa school na demi tawag sa akin. Kaya ayun. Kasi marami na rin kryztine pangalan o tintin tawag sakanila. So para maiba Demi na lang. May usapan nga nanay ko saka kapatid na pag isa sa amin pinanganak na ibang gender, kung ako naging lalaki, ipapangalan sa akin pangalan ng pinsan ko ngayon tapos pangalan ko pangalan ng pinsan ko ngayon pero nagkataon na hindi. At buti na lang. SWERTE KO. HAHAHA.

Day 9. How you got your tumblr name?

Eeeeehhhhhh obvious ba? Pinaghirapan ko ng bongga yan. Pangalan ko mismo. Ayun, masaya ka na? Ayaw ko na pahirapan sarili ko mag-isip ng pangalan ng tumblr ko saka madami pa ako binibisita na site eh. Facebook, Twitter, Instagram, tumblr, Youtube, Google. Wala na. yun lang naman madalas kong puntahan na site. Byeeee…..